Amante Isang 90-anyos na ginang ang nabigyan ng P10,000 bilang bahagi ng mga benepiso para sa mga octogenarian at nonagenarian na naisabatas sa pamamagitan ni re-elect Congressman Loreto “Amben” Amante ng 3rd district ng Laguna (nakatayo). Ang pamamahagi ng incentive ay isinagawa nitong Martes sa San Pablo Multi Purpose Convention Center sa Brgy. San Jose, San Pablo City, Laguna. Kuha ni GIL AMAN

Cash incentive ipinamahagi sa 101 octogenarian, nonagenarian sa Laguna

Gil Aman May 21, 2025
13 Views

UMABOT sa 101 octogenarians at nonagenarian mula sa iba’t ibang barangay ng Lungsod ng San Pablo ang nakinabang sa isinagawang distribution ng incentives na naisabatas sa ilalim ni re-elect Congressman Loreto “Amben” Amante ng ikatlong distrito ng Laguna.

Naging katuwang sa pamamahagi ang ahensiya ng mga NCSC, DSWD at OSCA. Dumalo rin sa pamamahagi si San Pablo City Mayor Vicente Amante at ilang konsehal ng siyudad.

Mainit namang sinalubong ni Arthur Almario,head ng OSCA, ang mga benepisyaryo na tumanggap ng tig-P10,000.

Ayon kay Amante , ang nasabing cash incentive ay malaking tulong sa mga benepisyaryo para pambili ng pangangailangan lalo na sa kanilang maintenance para sa kalusugan.

Dumalo rin si City Social Welfare Development Officer Marylin Escondo at Mark Josrph Salvador, Project Development Officer II