CELA Photo NHA

CELA ipinamahagi sa 382 benepisyaro sa SJDM

Jun I Legaspi Dec 16, 2024
12 Views

NAMAHAGI ang National Housing Authority (NHA) ng Certificates of Eligibility for Lot Allocation (CELA) sa 382 na benepisyaryo para sa siyam na housing sites sa San Jose del Monte, Bulacan.

Sa patnubay ni NHA General Manager Joeben Tai, pinangunahan ni Assistant General Manager Alvin Feliciano at Region III Manager Minerva Calantuan ang pamamahagi ng CELA.

“Layon ng pamahalaan na magbigay ng pabahay para sa ikauunlad ng bawat Pilipino sa kanilang bagong buhay tungo sa isang bagong Pilipinas,” sabi ni Feliciano.

Dumalo sa event sina San Jose del Monte Mayor Alfred Robes at San Jose del Monte Rep. Florida Robes.

Nagpasalamat si Rep. Robes sa NHA dahil sa mga pagsisikap nitong makatulong sa mga benepisyaryo.

“Ang pabahay isang pamanang punong-puno ng pag-asa. Masaya po ako na ang National Housing Authority talagang nakatuon sa pagbabagong anyo ng tunay na bukas pagdating po sa pabahay,” ani Rep. Robes.

Ang kaganapan isang paraan ng NHA para ipakita ang dedikasyon nitong tugunan ang lumalaking pangangailangan sa pabahay ng lungsod.