BBM File photo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at CEZA Administrator at CEO Katrina Ponce Enrile.

CEZA inatasan ng Palasyo na tiyaking POGO ops tigil na

Chona Yu Nov 9, 2024
58 Views

INATASAN ng Palasyo ng Malakanyang si Cagayan Economic Zone Authority administrator at chief executive officer Katrina Ponce Enrile na tiyaking ipatitigil na ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa lugar.

Base ito sa memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Nobyembre 5 bilang pagtalima na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na total ban sa POGO.

“Consistent with Republic Act No. 7922, also known as the ‘Cagayan Special Economic Zone Act of 1995,’ you are hereby instructed to adhere to the directive issued by the President during his State of the Nation Address on 22 July 2024 regarding the immediate ban of Philippine Offshore Gaming Operators or Internet Gaming Licensees in the Philippines, subject to applicable laws, rules and regulations,” saad ng memorandum.

Una rito, naglabas ng Executive Order No. 74 ang Malakanyang na magpapatupad ng agarang pag-ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), internet gaming atiba pang uri ng offshore gaming operation sa bansa.

Ipinahihinto ang operasyon ng POGO sa Disyembre 31, 2024 o mas maaga pa.

Matatandaang inanunsyo ni Pangulong Marcos sa kanyang State of the Nation Address noong Hulyo ang agarang total ban sa POGO.