Charlie Dizon

Charlie nilabas ang nararamdamana sa Instagram

Vinia Vivar Jun 16, 2024
117 Views

Isang linggo matapos maganap ang intimate garden wedding nina Carlo Aquino at Charlie Dizon, nag-post ng kanyang nararamdaman ang aktres sa Instagram.

Ni-recall niya ang dalawang magandang pangyayari sa buhay niya last week. Ang una ay ang pagkakapanalo niya ng Best Actress award sa Gawad Urian last June 8 at ang pangalawa ay ang kasal nila ni Carlo last June 9.

“It’s been a week since our back to back weekend!!! First i got my first best actress award from one of my dream award giving bodies, ang Gawad Urian. congratulations po uli sa lahat ng kapwa ko nominado and of course sa team #ThirdWorldRomance!!” simula ni Charlie.

Patuloy niya, “A day after, I officially became Mrs. Aquino. grabe ang timing Lord, I believe this is all YOU.”

Kasunod nito ay nagpasalamat si Charlie sa lahat ng sumusuporta sa pag-iibigan nila ni Carlo at nagbigay din siya ng mensahe sa mister.

“I want to thank everyone who joined us and supported us on this journey.

“Tulad ng sinabe ko sa vows mahal @jose_liwanag, I am proud that we are here today with people who genuinely love us. And that’s what truly matters, celebrating our love with the people who mean the most,” pahayag ni Charlie.

Willie emosyonal habang nagpapaalam

Inanunsyo na ni Willie Revillame ang titulo ng kanyang bagong show sa TV5, ang Wil to Win.

Sa Facebook Live held at the Studio 6 ng TV5 Media Center, naging emosyonal ang TV host habang nagpapaalam sa Wowowin na naging show niya sa mahabang panahon and at the same time ay inanunsyo niya ang bagong show.

Matapos awitin ang single na Syempre ay sinabi ni Willie ang big news.

“Alam n’yo, sa totoo lang, eh, hindi ko na, hindi ko na mahintay na magtuloy tuloy na ang programang ito. Itong araw na ito ay may importante kaming announcement sa inyo. Ano ba yun? Pero don’t worry tatawag pa rin ako at magbibigay pa rin ako sa inyo bawat tawag ng P5,000,” aniya.

Inanunsyo ng TV host na magsisimula ang Wil to Win sa Linggo pero hindi pa niya sinabi kung anong date.

Ang regular programming ay mapapanood from Monday through Friday sa TV5.

“Hindi po lumalaos ang programang tumutulong sa ating mga kababayan,” he said.

Ayon pa sa TV host, ang buhay niya ay tulad din ng pangalan niya na parang gulong, may ups and downs, pero ang pinaka up ay ngayon na kasama niya ang mga manonood at kanyang tagasuporta.

Hindi raw siya hihintong magbigay ng saya, pag-asa at kaligayahan sa bawat Pilipino.

Nagbalik-tanaw dn si Willie sa mga TV station na kanyang pinagtrababuhan at labis ang kanyang pasasalamat sa lahat ng kanyang mga nakasama mula sa mga boss hanggang sa production staff.

Of course, super thankful din siya sa Media Quest na siyang dahilan kung bakit siya nariritong muli sa telebisyon ngayon.

Naging emosyonal naman si Willie matapos ipalabas ang video footages sa mga past episode ng Wowowin kasabay ng pagpapasalamat at pagpapaalam sa slot at sa lahat ng sumuporta dito.

“Salamat, Wowowin,” emosyonal niyang wika. “For almost seven years, araw-araw ko kayong kasama sa GMA. Maraming pagsubok, maraming nangyari, may luha ng kaligayahan, may luha ng hinagpis na araw-araw kong nararamdaman.”

Sey pa niya, “Sorry, naging emosyonal ako kasi mawawala na ho kasi si Wowowin. Magpapaalam na po ang programang Wowowin.”