Samahan nina Martin, Pops; Jodi, Pampi nakakabilib

Aster A Amoyo Jun 15, 2024
53 Views

Martin3JodiJodi1Jodi2NAKAKABILIB ang kakaibang samahan ng dating couples na sina Martin Nievera at Pops Fernandez maging sina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson na kahit may kani-kanya nang magkakahiwalay na buhay ngayon ay napanatili pa rin nila ang kanilang pagiging magkakaibigan.

It was not a good break-up at first at hinayaan muna nilang mag-heal ang sugat sa kanilang mga puso bago nila ma-realize na hindi puwedeng mamayani ang galit habambuhay.

“Time heals all wounds” `ika nga at sa paglipas ng panahon ay unti-unting nabura ang galit sa kanilang mga puso at namayani ang pagmamahal at kapakanan ng kanilang mga anak.

Sina Pops at Martin ay ikinasal nung June 1986 at nagkahiwalay after twelve years na pagsasama bilang mag-asawa at nagkaroon ng anak na sina Robin at Ram. Their marriage was annulled in 2000.

Alam ng publiko na si Katrina Ojeda ang naging dahilan ng paghihiwalay ng dating mag-asawa. Si Martin ay may isang anak kay Katrina na si Santino at matagal na ring hiwalay ang concert king sa dati niyang partner. May kani-kanyang ibang partner na ngayon sina Martin at Katrina. Pero ang maituturing na strange sa ibang tao ay magkakaibigan ngayon sina Pops, Martin at Katrina at magkaka-close ang kanilang mga anak na sina Robin, Ram at Santino. Ultimo si Martin ay hindi makapaniwala na posible itong mangyari sa kanyang blended family.

Bukod kina Martin at Katrina at sa magkakapatid na sina Robin, Ram at Santino, very close din si Pops sa anak nina Martin at Katrina na si Santino and there were many occasion na magkakasama sina Martin, his three children and his two exes na sina Pops at Katrina. Talagang ibinaon na nila sa limot ang galit sa kanilang mga puso. They have cpme to terms with themselves and the people they used to hate.

Ang maganda kina Pops at Martin who remain a loveteam on stage, they are always there for each other laluna pagdating sa kanilang dalawang anak na sina Robin at Ram at ang pagkakaroon nila ng apo (kay Robin) na si Phineas.

Kakaiba rin ang pagkakaibigan ngayon nina Pops at Katrina na tanggap din ang longtime partner ngayon ni Martin na si Anj del Rosario.

Sa case naman ng dating mag-asawang Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson (anak ni former senator Panfilo Lacson), hindi rin naging madali ang paghihiwalay ng dating mag-asawa na ikinasal nung 2005 sa Las Vegas, Nevada at nagkahiwalay nung 2011 na naging sanhi ng pagbaling ng mahusay na aktres sa alcohol, drugs at paninigarilyo. Pero ito’y binago lahat ni Lord nang tanggapin niya ang Diyos sa kanyang puso sa tulong ng veteran actress na si Coney Reyes. Since then ay natuto siyang bumangon at magpatawad.

Ang dating mag-asawang Jodi at Pampi ay may isang anak na si Thirdy (Panfilo Lacson III) na siyang dahilan kung bakit nauwi sa pagkakaibigan muli ng dating mag-asawa maging ang longtime partner ngayon ni Pampi, ang dating Kapuso actress na si Iwa Moto at dalawa nilang anak na si Hiromi at Caleb.

Kakaiba ang friendship na nabuo sa pagitan ng dating mag-asawang Jodi at Pampi maging si Iwa at kanilang mga anak na sina Thirdy, Hiromi at Caleb na magkakasama sa maraming mahahalagang okasyon.

Imposible man sa iba ang maituturing na modern and blended family, it worked for separated couples na sina Pops and Martin maging kina Jodi at Pampi.

Sana all.

Pulang Araw ng GMA mapapanood sa Netflix

AldenAlden1ISA na namang malaking proyekto ang binuo ng GMA sa pamamagitan ng kanilang upcoming TV drama war series na “Pulang Araw” na tinatampukan nina Alden Richards, Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco at Dennis Trillo mula sa pamamahala ng GMA resident director na si Dominic Zapata. Ang nasabing TV series will premiere on July 26, 2024 on Netflix and on July 29, 2024 on GMA. Kasama rin sa nasabing serye sina Rhian Ramos, Epy Quizon, Angelu de Leon, Rochelle Pangilinan, Ashley Ortega, Mikoy Morales, Aidan Veneracion, Derrick Monasterio, Jay Arcilla, Neil Ryan Sese at Abraham Lawyer with Zephanie Dimaranan at Rabiya Mateo as guests.

Inaasahan na mapapantayan if not malalagpasan ng “Pulang Araw” ang malaking tagumpay na ipinakita ng historical drama series na “Maria Clara at Ibarra” nung 2022 na pinamahalaan ni Zig Dulay.

Ang Japanese occupation nung World War II ang magiging backdrop ng serye kung saan si Alden ang gaganap sa papel ni Eduardo de la Cruz, Sanya as Teresita `Morena’ Borromeo, Barbie as Adelina `Chinita” de la Cruz habang sina David at Dennis bilang Japanese soldiers na sina Hiroshi Tanaka at Yuta Saito.

Taong 2012 pa sinimulang i-conceptualize ng Kapuso head writer na si Suzette Doctolero ang “Pulang Araw” inspired ng kuwento ng kanyang grand parents nung Japanese time. It was only in December 2023 in-announce ng GMA ang nasabing proyekto.

Ang “Pulang Araw” ay isa sa pinakamalaking proyekto ng Kapuso network na magkahiwalay na mapapanood on Netflix and GMA simula sa susunod na buwan.

Jericho balik artista matapos mahiwalay sa misis

JerichoJericho1BALIK-Pilipinas ang singer-actor na si Jericho Rosales matapos nitong mahiwalay sa kanyang ex-wife na si Kim Jones. Sumubok ang dalawa na mamuhay sa Big Apple (New York City) but it did not work out for the now un-couple.

Philippines is home for Jericho kung saan siya isinilang, lumaki, nagkaisip hanggang sa siya’y makilala ng publiko matapos itong manalo sa isang segment portion ng dating noontime program na “Eat Bulaga” ang “Mr. Pogi”.

Malayo na nga ang narating ni Jericho hindi lamang bilang singer kundi bilang isa sa pinakamahusay na actor sa kanyang henerasyon.

Sa kanyang pagbabalik sa Pilpinas ay agad siyang binigyan ng magandang comeback material ng kanyang home studio, ang ABS-CBN sa pamamagitan ng kanyang upcoming primetime drama series na “Lavender Fields” with Jodi Sta. Maria playing the title role at kung saan din nila kabituin si Janine Gutierrez.

He will play the role of Tyronne de Vera na parehong may involvement sa respective characters nina Jodi at Janine.

Super excited si Jericho sa “Lavender Fields” na may kakaibang tema na tiyak na muling maiibigan ng mga manonood na malapit na ring matunghayan.

Si Jericho ay huling napanood sa hit primetime drama series na “Halik” na nagtapos nung April 2019. Tampok din sa nasabing serye sina Yam Concepcion, Yen Santos at Sam Milby.

Bukod sa bagong serye, may nakatakda ring bagong movie project na sisimulan ni Jericho under Star Cinema.

Samantala, ngayong nakabalik na sa Pilipinas si Jericho ay constant niyang nakakasama ang kanyang kaisa-isang anak na si Santino (23) sa kanyang ex-girlfriend, ang dating modelo na si Kai Palomares.

Si Santino ay tapos na rin sa kanyang pag-aaral sa De la Salle College at isa na ring ramp model na minana niya sa kanyang ina.

Hindi nagkaroon ng anak si Jericho sa kanyang ex-wife na si Kim Jones.

PLEASE watch my latest episode on my online talk show, “TicTALK with Aster Amoyo” on YouTube ang aming exclusive interview with former sexy star-turned millionaire na si Ramona Revilla na may anak na triplets sa kanyang American engineer husband na si Fred Farrell.

Don’t forget to SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel for notification. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.