Chito Larawan mula sa IG/@chitomirandajr

Chito, Neri nilanggam sa 9th anniv: ‘Swerte mo sa akin’

119 Views

TILA nilanggam ang mag-asawang sina Chito Miranda at Neri Naig sa kanilang ika-9 anibersaryo dahil sa hatid na sweetness ng mensahe ng Parokya ni Edgar frontman.

Sa Instagram page ni Chito, ibinahagi niya ang larawan nilang dalawa ni Neri kalakip ang kanyang pagbati sa asawa para sa kanilang anniversary.

“Sa akin na mismo manggagaling. Ako na mismo ang magsasabi. Ang swerte swerte mo sa akin… kasi mahal na mahal talaga kita,” sey ng singer-songwriter.

“Gusto ko, tuwing naiisip mo ako, feeling mo safe na safe ka. Gusto ko yung kapag katabi mo ako, narerelax ka at mabilis kang nakakatulog kasi feeling mo ‘I’m home’,” pagpapatuloy pa ni Chito.

Pangako pa ng Parokya ni Edgar frontman na aalagaan niya palagi si Neri.

“Gusto ko, yung pakiramdam mo, without a doubt, na you have nothing to worry about kasi kahit ano ang mangyari, aalagaan kita and never kitang papabayaan. Gusto ko, tuwing naiisip mo ko, feeling mo punung-puno ng pagmamahal ang mundo, at kalmado ang lahat kahit gaano ito kagulo,” saad ng singer-songwriter.

Sa dulo ng kanyang mensahe ay sinabi niya kung gaano niya kamahal ang kanyang misis.

“Gusto ko yung ramdam na ramdam mo, at alam na alam mo, that you are loved…na mahal na mahal ka ng taong mahal mo. Happy Anniversary, Ms. Neri,” aniya pa.

Hindi naman napigilan ng netizens na kiligin sa mensahe ni Chito para kay Neri.

“Parang sarap gawin kanta nito Sir Chits… Tamiiiissss.”

“Napakasweet! Happy anniversary to you and @mrsnerimiranda.”

“I want a love like this, please God bless me with a love like this.”

“This is sooooo beautiful!”