MMDA Hinahakot na ang mga nagkatambak na basura na nagkalat sa iba’t-ibang parte ng Maynila habang malinis na sa Divisoria, Juan Luna St. at Recto St. sa Binondo at Tondo.

Clearing, cleaning ops sa dadaanan ng andas sinimulan na

Jon-jon Reyes Jan 3, 2025
17 Views

MMDA1MMDA2SINIMULAN na ang malawakang clearing at cleaning operations ng mga operatiba ng Metro Manila Development Authority sa mga nakahambalang na stalls at illegally-parked na sasakyan sa dadaanan ng andas ng Itim na Nazareno sa susunod na linggo.

Ayon kay MMDA General Manager Popoy Lipana, sinimulan na ang paglilinis sa Quezon Boulevard sa Quiapo at Honorio Lopez St. sa Tondo upang matiyak na walang sagabal sa mga deboto na magtutungo sa Quiapo Church habang papalapit ang araw ng Nuestra Señor Jesus Nazareno.

Samantala, humingi ng paumanhin si Manila Mayor Honey Lacuna Pangan sa pagkaantala ng paghahakot ng mga basura sa lungsod dahil nagpalit sila ng kontraktor ng paghahakot ng basura.

Ayon sa alkalde, “aayusin natin ang kapabayaan ng nakaraang garbage collector kung kaya’t dalawa na po ngayon ang humahakot ng basura sa lungsod–ang Metrowaste at PhilEco.”

Ang nagdaang Pasko at Bagong Taon nagdulot ng 400% na pagtaas ng basura sa Maynila na tila iniwanan na lamang bigla ng dating contractor.

“Dahil po dito iniutos ko ngayon sa ating mga bagong collectors ang tuloy-tuloy na paghakot ng basura.

Maglalagay rin po ang ating Department of Public Services at Task Force Against Road Obstruction ng hotlines para sa mga reklamo habang nasa transition period pa tayo,” sabi ng alkalde.