billy

Coleen, karay-karay si Amari sa lock-in

Vinia Vivar Feb 20, 2022
450 Views

coleenNa-miss ni Coleen Garcia ang pag-arte kaya naman sobrang excited siya sa kanyang comeback movie na Adarna Gang ng Viva Films kasama sina Diego Loyzaga, JC Santos at Mark Anthony Fernandez.

Ang huling pelikula pa ni Coleen ay Mia in 2020 which she did noong hindi pa siya nanganganak.

She gave birth to Amari (first baby nila ni Billy Crawford) in September, 2020 and since then ay naging full-time mom na siya.

“Sa tagal kong nawala, sobrang na-miss ko at excited ako to be back and be part of really good stories,” sey ni Coleen sa digital mediacon ng Adarna Gang.

Before pandemic pa raw niya tinanggap ang pelikulang ito pero na-delay ang filming dahil nagkaroon na nga ng health crisis plus she got pregnant.

“Kung wala ‘yung pandemic, we would have done this a lot sooner and it’s not that I wanted to wait for a comeback or anything, pero talagang hindi kasi safe ngayon mag-taping.

“And the good thing is, si Viva, they really made a way and ito kasi, nag-taping kami sa isang place na zero talaga ‘yung cases. And ito po ‘yung time na pwede na lumabas ‘yung mga bata. So, I was able to bring Amari. Never siyang nakaapak sa set pero kasama ko siya sa hotel,” lahad ni Coleen.

Willing na willing pa rin naman daw siya talagang magtrabaho although siyempre, ang priority niya talaga ay ang kanyang pamilya.

Aminado ang aktres na nanibago siya talaga sa shooting at first at na-intimidate sa mga co-star.

“Ang tagal ko kasing nagpahinga. Ang puro alam ko lang magluto, mag-change ng diapers. Nakalimutan ko kung paano ang gagawin ko in front of the camera.

“If the role was emotional, nakalimutan ko how to be emotional. Nakalimutan ko kung paano maging malungkot o kung paano magalit. Those were all things that refreshed me again at kailangan kong hukayin sa sarili ko.

“I think that was very challenging for me. Wala akong naging warm-up. I really had to go back into acting to just prepare from home. Then, when I arrived on the set to just give everything I had,” sey ni Coleen.

Sa Adarna Gang ay ginagampanan ni Coleen ang papel na Adriana, unica hija ng mag-asawang Jose (Soliman Cruz) at Maria (Mickey Ferriols) na naghiganti nang mapatay ang kanyang ama na miyembro sindikato.

Mula sa panulat at direksyon ni Jon Red, streaming na sa Vivamax ang Adarna Gang sa March 11 pero pwede rin itong mapanood in advance with Vivamax Plus, ang bagong pay-per-view service ng Viva.

Kasama rin sa movie sina Ronnie Lazaro at Shamaine Buencamino.