Baril Source: FB file photo

College professor dinampot sa panunutok sa mga kasamahan

Steve A. Gosuico Aug 24, 2024
25 Views

CABANATUAN CITY–Arestado ang 56-anyos na college professor sa syudad na ito dahil sa panunutok ng baril sa kanyang mga kasamahan noong Biyernes.

Sa ulat kay Nueva Ecija police chief Col. Richard Caballero, nakilala ang suspek na professor na residente ng Unit 1 Jemjun Apartment, Tandang Sora St., Brgy. Magsaysay Sur, Cabanatuan City.

Dinala siya sa himpilan ng pulisya dahil sa gun-toting incident sa Mabini Road sa Brgy. Magsaysay Sur dakong alas-5:30 ng hapon.

Pinagbantaan ng suspek ang mga biktima na babarilin gamit ang kanyang cal. 9mm pistol.

Inaresto ang suspek matapos mabigong ipakita ang kanyang Permit To Carry Firearm Outside Residence.

Ipinakita lamang niya sa mga awtoridad ang Firearms Registration card at License to Own and Possess Firearm (LTOPF) card.

Nakumpiska sa suspek ang kanyang cal.9mm pistol na kargado ng walong bala.

Samantala, nasakote ng Gapan City police, sa pamumuno ni Lt. Col. Wilmar Binag, ang 52-anyos na construction worker kasunod dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril noong Biyernes.

Naaresto ang suspek sa Brgy. Kapalangan dakong alas-11:30 ng gabi.

Hinarang ng mga rumespondeng operatiba ang suspek matapos itong makitang tatakas na bitbit ang cal. 45 pistol na may kargang bala.

Sa isinagawang body search, isa pang cal. 45 pistol na kargado ng pitong bala ang nakuha sa suspek.

Parehong nasa kustodiya na ngayon ng kaukulang operating police units ang mga nahuling suspek.