Marianito Augustin

Comelec ginisa ng House Committee on Suffrage and Electoral Reform tungkol sa kontrata nito sa Miru System ng South Korea

171 Views

BINUSISI ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang naging desisyon ng “poll body” na ibigay o i-award sa South Korean Company na Miru System ang “automation contract” para sa darating na 2025 mid-term elections. Dahil dito, nalagay sa “hot water” ang Commission on Elections (Comelec).

Ikinababahala ni KABATAAN Party List Congressman Raoul Danniel A. Manuel patungkol sa tinatawag na “involvement” ng Miru System para sa darating na 2025 mid-term elections. Bunsod ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan umano ng nasabing kompanya sa mga nakalipas na halalan.

Ayon kay Manuel, sa naging panayam ng People’s Taliba, ikinababahala nito ang kinasangkutang “technical glitches” o kapalpakan ng Miru System sa mga nagdaang eleksiyon na nilahukan nito. Kaya hindi aniya malayong ganito rin ang mangyari sa pagsapit ng 2025 mid-term elections.

“There really is a reason for worry. We hope Comelec commits to incorporating all the comments from the resource persons in its decision regarding the post-qualification process. The stakes are high. We cannot downplay these worries. Ang sa amin lang eh’ kailangan tayong maging maingat,” ayon kay Manuel.

Ipinunto naman ni dating Caloocan City Cong. Edgar “Egay” Erice, resource person ng Committee on Suffrage and Electoral Reforms, na ang ginagamit na election machine ng Miru System ay isang “prototype” sa mga nilahukan nitong halalan sa iba’t-ibang bansa tulad sa Congo, sa Iraq at Korea.

Ipinabatid pa ng dating kongresista na ang ginagamit na election machine ng Miru System ay isang Optical Mark Reader (OMR) machine. Kung saan, ang combination aniya ng OMR at DRE machines ay hindi pa talaga nasubukan o na-testing sa anumang eleksiyon.

“This machine is a prototype. It has never been used in any elections. In Congo, they used a DRE machine. In Iraq and in Korea, they used an Optical Mark Reader (OMR) machine. And this combination of of OMR and DRE machines has never been tested in any elections,” sabi ni Erice.

Dahil dito, binigyang diin ni Erice na kapag ganito ang kinakaharap na problema ng Misu System. Posible umanong maharap din sa problema ang paparating na 2025 mid-term elections. Ganito rin ang ipinuinto ni Erice na nagsabing dapat suriin pa ng mabuti ng Kongreso ang kontrata ng nasabing kompanya.