Calendar

Command center binuksan sa Batangas City
PINASINAYAAN noong Lunes nina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marino ang Batangas City Command Center sa Brgy. Bolbok, Batangas City.
Magsisilbing center ang istruktura para sa mga agencies na tutugon tuwing may kalamidad at sakuna.
Bahagi nito ang central command na isang secure facility na dinesenyo para sa monitoring ng iba’t-ibang emergency.
Ang Command Center ay magsisilbi ring lugar para sa maayos na komunikasyon at inter-agency collaboration.
May malaking video wall na may live feed mula sa surveillance camera, traffic systems, weather data and analytics ang command center na maaaring maging batayan ng mabilis na pagdedesisyon habang nagaganap o pagkatapos ng kalamidad o sakuna.
Ayon kina Mayor Dimacuha at Cong. Mariño, ang pagkakaroon ng isang modernong pasilidad ay isang mahalagang hakbang para sa mas mabilis na reaksyon sa mga emergency situations.
Dumalo sa okasyon sina Reyan Derrick Marquez, DICT Calabarzon Regional Director Felix Tabanao Jr. at DSWD Disaster Response Management Bureau Director III Michael Christopher Mathay.