Madrona

Committee on Tourism suportado ang panawagan ng DENR para sagipin ang Pasig River

Mar Rodriguez Jun 13, 2024
96 Views

𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗻𝗴 C𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗥𝗼𝗺𝗯𝗹𝗼𝗻 𝗟𝗼𝗻𝗲 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗘𝗹𝗲𝗮𝗻𝗱𝗿𝗼 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 “𝗕𝘂𝗱𝗼𝘆” 𝗙. 𝗠𝗮𝗱𝗿𝗼𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝘄𝗮𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗘𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗡𝗮𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲𝘀 (𝗗𝗘𝗡𝗥) 𝘀𝗮 𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗸𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝘀𝗶𝗻𝘂𝘀𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗿𝗲𝗵𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝘀𝗶𝗴 𝗥𝗶𝘃𝗲𝗿 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗹𝗮𝗵𝗼𝗸 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 “𝗥𝗶𝘃𝗲𝗿 𝗪𝗮𝗿𝗿𝗶𝗼𝗿”.

Ayon kay Madrona, hindi lamang para sa pagsusulong ng turismo ng bansa ang programa ng Committee on Tourism bagkos adhikain din nito ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng Pasig River na malaon ng napabayaan dulot ng kawalang malasakit at kabalahuraan ng ilang mamamayan.

Sinabi ni Madrona na panahon na para magising ang mamamayang Pilipino upang sagipin ang Pasig River sa pamamagitan ng pagsusulong ng rehabilitation nito. Hindi man maibalik sa dating estado nito ay malinis man lamang at maging kaaya-ayakaaya-aya taliwas sa kasalukuyang kalagayan nito na madumi at masangsang ang amoy.

“Sa tuwing makikita ko ang Pasig River kapag ako ay napapadaan duon. Hindi ko maiwasang malungkot at maluha dahil ibang-iba na ang itsura niya. Makikita mo na masyado talaga siyang napabayaan. Masyado siyang nababoy kasi iba duon na itinatapon ang kanilang mga basura,” sabi ni Madrona.

Binigyang diin pa ng kongresista na dapat kumilos din amg Local Government Units (LGUs) para papanagutin o kasuhan ang ilang indibiduwal na mahuhuling nagtatapon ng basura, ginagawang CR at sinasalaula ang Pasig River para magsilbing babala para sa iba na walang pakundangan.

Sabi ni Madrona, makikita sa naging pagkilos ng DENR-Pasig River Coordinating and Management Office (DENR-PRCMO) kung gaano sinalaula ang nasabing ilog matapos silang makakolekta ng nasa 1,603.54 tonelada ng sari-saring basura at water hynacinth mula sa Pasig River at sa mga tributary nito.

Winika pa ni Madrona na ang rehabilitasyon ng Pasig River ay hindi lamang isang krusda o mandato kundi isang adbokasiya at testamento para sa isang nagkakaisang layunin na sagipin ang tuluyang pagkasira ng ilog.

“Hindi ito basta isang simpleng issue. Kundi ito ay isang advocasy sapagkat ang imahe ng ating bansa ang sumasalamin dito. Dito makikita kung anong klaseng mga mamamayan tayo, ano lamang ang sasabihin sa atin ng mga dayuhang bumibisita sa Pilipinas? Hindi natin nagawang malinis ang ating paligid,” ayon pa kay Madrona.