Duke

Cong. Duke Frasco iminumungkahi na magtayo ng Philippine Heart Center sa Cebu

Mar Rodriguez Jun 23, 2023
162 Views

UPANG hindi na mahirapan ang mga Cebuano na lumuwas pa ng Maynila para lamang magpa-gamot sa Philippine Heart Center (PHC) sa Quezon City. Iminumungkahi ng isang kongresista na magkaroon ng Heart Center of the Philippines sa Visayas sa Municipality ng Liloan sa lalawigan ng Cebu.

Sinabi ni an Vincent Franco “Duke” House Deputy Speaker at 5th Dist. Cebu CongressmD. Frasco na layunin ng isinulong nitong House Bill No. 3879 na mailapit ang Philippine Heart Center (PHC) sa kaniyang mga kababayan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sangay nito sa Cebu City.

Ipinaliwanag ni Frasco na sa unang Sate of the Nation Address (SONA) ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. Binigyang diin aniya nito ang pagkakaroon ng isang matatag at malakas na “health care system” sa bansa kabilang na dito ang pagkakaroon ng mga health centers at ospital.

Ayon kay Frasco, alinsunod sa naging pahayag ng Pangulong Marcos, Jr. sa kaniyang SONA. Kinakailangang magkaroon ng tinatawag na “specialty hospitals” katulad ng Heart Center hindi lamang sa National Capitol Region (NCR). Bagkos, magkaroon din nito sa iba’t-ibang lalawigan sa bansa.

Ipinahayag din ng Cebu congressman na batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang tinatawag na “ischaemic heart disease” ang nangungunang sanhi ng kamatayan ng isang tao mula January hanggang October 2021 na may 110.332 cases o kabuuang 18.3% deaths sa bansa.

Binigyang diin ni Frasco na napakahalaga na magtayo ng Heart Centers sa mga lalawigan para ma-decentralize ang serbisyo nito sa NCR. Kasunod ng lumolobong bilang ng mga heart disease cases. Iginiit ng mamababatas na dapat maging accessible at affordable ang medical services para sa mga Pilipino sa iba’t-ibang panig ng bansa lalo na sa mga remote areas.