Salceda

Cong. Joey Salceda hinikayat si PBBM na kailangan maisa-ayos ng gobyerno ang pagpapa-deport sa 48 pogo workers

Mar Rodriguez Oct 10, 2022
223 Views

Salceda: Pagpapa-deport sa 48 POGO workers isaayos

HINIHIKAYAT ngayon ng isang Bicolano congressman si President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na kailangang maisa-ayos ng gobyerno ang pagpapa-deport sa tinatawang 48 unlicensed workers ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Sinabi ni Albay 2nd Dist. Cong. Joey Sarte Salceda na bagama’t inaasikaso at pinangangasiwaan na ng Bureau of Immigration ang pagpapa-deport sa 48 unlicensed POGO workers.

Subalit iginiit ni Salceda na kinakailangan parin matiyak na magiging patas ang pamahalaan sa isasagawang deportation ng mga nasabing POGO workers pabalik ng China sa pamamagitan ng isang maayos na pagtrato tulad din ng pagtrato ng bansa sa ibang dayuhan na itinuturing na unlicensed at illegal alien.

Binigyang diin pa ni Salceda na mayroong batas na pinaiiral ang pamahalaan kaugnay sa maayos na pagpapa-deport sa mga dayuhan na itinuturing na overstaying na sa Pilipinas at walang kaukulang dokumento tulad ng mga POGO workers.

Ipinaliwanag pa ng Bicolano solon na mayroong sapat na alituntunin o umiiral na batas ang Pilipinas para mapangalagaan ang sinomang indibiduwal patungkol sa human trafficking. Kung kaya’t kinakailangan lamang aniya ipatupad ito ng gobyernong Marcos.

“As I have repeatedly asserted. Let’s just follow the law as is, we have enough laws to deport illegal workers. Kailangan lang naman na tratuhin natin ng maays ang mga POGO workers gaya ng pagtrato natin sa ibang dayuhan na overstaying na dito sa Pilipinas,” ayon kay Salceda.

Ipinaalala din ni Salceda na may mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) din sa iba’t-ibang panig ng mundo na illegal na nagta-trabaho sa abroad.