Madrona Kasama sa larawan ang mga tauhan ng RPSU, ang bagong promote na si Police Col. Eleazar R. Barber, Jr. Oriental 2nd Dist. Mindoro Cong. Alfonso V. Umali, Jr. at si Romblon Lone Dist. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona.

Cong. Madrona suportado panawagan ni Sec. Frasco  na madagdagan tourism budget para sa 2024

Mar Rodriguez Aug 23, 2023
226 Views

Madrona1BILANG Chairman ng House Committee on Tourism, sinusuportahan ni Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona ang panawagan ni Department of Tourism (DOT) Sec. Maria Christina Garcia Frasco na madagdagan ang kanilang budget para sa ssusunod na taon.

Nauna rito, optimistiko si Madrona na mabibigyan ng konsiderasyon ng House Committee on Appropriations na pinamumunuan ni Albay 2nd Dist. Congressman Joey Sarte Salceda para magkaroon ng increase sa 2024 proposed budget ng DOT kabilang na ang mga attached agencies nito.

Ipinaliwanag ng kongresista na maliit umano ang P2.99 billion budget ng DOT para sa susunod na taon o mababa ng 20% mula sa dating P3.7 bilyong pondo nito. Sapagkat nakahilera ang mga isususlong na programa ng ahensiya na nakapaloob sa National Expenditure Program (NEP) para sa 2024.

Binigyang diin ni Madrona na kailangan ng sapat na pondo o magkaroon ng adequate funding ang DOT upang matagumpay na makamit nito ang kanilang objective na maging isang “tourism powerhouse” ang Pilipinas sa buong Asya na vision mismo ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Sinabi ng mambabatas na pagharap ni Frasco sa nakalipas na budget hearing sa Kamara de Representantes. Ang ni-request nitong budget para sa Tourism Deparment at P15.5 billion kabilang na dito ang P8 billion naman para sa Tourism Road Infrastructure Program (TRIP).

Samantala, nag-courtesy call naman sa tanggapan ni Madrona sa Kongreso ang bagong promote na si Police Col. Eleazar R. Barber, Jr. bilang Hepe ng Regional Police Security and Protection Unit (RPSPU).

Nagkaroon din ng pagpupulong sina Madrona, Barber at Oriental Mindoro 2nd Dist. Alfonso V. Umali, Jr. patungkol sa kung papaano pa mapapa-igting ng PNP Support Unit ang pagbibigay nila ng seguridad sa mga matataas na taong binibigyan nila ng proteksiyon o security.