Calendar
Construction worker tigok sa boga
PINAGBABARIL hanggang sa mamatay ang obrero habang nagpa-pot session umano kasama ang tatlong kabarkada sa Quezon City noong Martes.
Bandang alas-2:20 ng madaling araw nng maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa Brgy. North Fairview.
Ayon sa isang testigo, abala umano sa pot session ang biktima at tatlong iba pa nang biglang pumasok ang suspek na naka-helmet, maroon jacket at maong pants at ilang ulit na malapitang binaril sa ulo ang biktima.
Dahil sa takot, agad nagsitakbuhan palabas ng barong-barong ang mga kasama ng biktima sa pot session.
Nang matiyak naman na patay na ang biktima ay saka lamang tumakas ang suspek dala ang baril na ginamit.
Nagresponde ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) Team mula sa QCPD Forensic Unit sa pangunguna ni P//CMS Federico Manzano.
Sa agsusuri, nakitang nagtamo ng maraming tama ng bala sa ulo ang biktima.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng ‘di pa batid na kalibre ng baril, plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia kabilang ang lighter, aluminum foil strip, at isang gunting.
