Hot News

Consultant tumalon mula 10th floor ng Makati condo, nag-iwan ng suicide note

Edd Reyes Sep 30, 2026
1100 Views

TUMALON mula sa ika-10 palapag ng isang condominium ang 62-anyos na consultant ilang sandali matapos siyang humingi ng “sorry” sa kanyang may-bahay Martes ng umaga sa Makati City.

Nakabulagta na sa ground floor ng Joya Lofts North Tower, Rockwell Center, Brgy. Poblacion ang biktma nang datnan ng mga nagrespondeng pulis mula sa Makati Police Sub-Station 6 habang sa tabi ng bangkay ang asawa ng biktima at dalawang kaibigan ng pamilya.

Lumabas sa imbestigasyon na dakong alas-9:00 ng umaga, habang nasa loob ng kanilang silid sa ika-10 palapag ng gusali ang mag-asawa nang marinig ng ginang na may nagbukas ng pintuan sa balkonahe at narinig niya ang sinabi ng mister ng katagang “I’m sorry” bago ang malakas na kalabog sa sementadong bangketa sa harap ng condominium

Nang magtungo ang pulisya sa Unit na tinutuluyan ng biktima, nakita nila sa ibabaw ng dining table ang umano’y suicide note na isinulat sa isang maliit na papel ng biktima kung saan nakasaad ang katagang “Goodbye. I am a coward, I can’t live with this. I have caused so much pain & I am weak. Just pray for me. I love you po”