Airport

Cotabato airport muling binuksan

125 Views

MAKALIPAS ang halos dalawang buwan, nagbalik operasyon na ang Cotabato Airport noong Sabado.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), kinailangang isara ang paliparan upang mapabilis ang paggawa sa runway nito.

Noong Hulyo 21, 2023 nagpalabas ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng Notice to Airmen (NOTAM) na ipinagbabawal ang pag-take-off at pag-landing sa Runway 28.

Ibinigay ng DOTr ang P340.55 milyong pondo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa Asphalt Overlay ng Cotabato Airport runway.

Noong Agosto 17, sinabi ng DPWH na partially completed na ang Asphalt Overlay at maaari na muling tumanggap ng biyahe ang naturang paliparan mula alas-7 hanggang 11:59 ng umaga.

Ang nalalabing bahagi ng araw ay gagamitin naman para matapos ang proyekto.

Ang paliparan ay matatagpuan sa Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.