Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
DOH

COVID-19 positivity rate umakyat ng 10.6%

319 Views

UMAKYAT ng 10.6% ang positivity rate ng COVID-19 sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH sampung rehiyon ang mayroong positivity rate na lagpas sa 5 porsyentong international threshold.

Ang mga ito ay ang Calabarzon (14.4 porsyento) Metro Manila (13 porsyento), Western Visayas (11.7 porsyento), Central Luzon (11.5 porsyento), Mimaropa (11.1 porsyento), CAR 7.3 porsyento), Cagayan Valley (6.9 porsyento), Ilocos Region (6.7 porsyento), Central Visayas (6.5 porsyento), at Northern Mindanao (5.2 porsyento).

Nagpapatuloy umano ang pagdami ng bilang ng mga Pilipino na nahahawa ng COVID-19.

Mula Hulyo 8 hanggang 14, ang daily average ay mahigit na 1,700. Sa Metro Manila nakapagtala ng pinakamaraming nagpopositibo na umaabot sa 750 kada araw.