Raval

27M Pinoy obese — NNC

168 Views

TINATAYANG 27 milyong Pilipino ang obese ayon sa National Nutrition Council.

Sa bilang na ito, tinatayang 3.6 milyon ang edad 19 pababa, ayon kay NNC Nutrition Information and Education Division Chief Jovita Raval.

Ayon kay Raval ang bilang ng mga obese ay hindi lamang sa Pilipinas tumataas kundi sa buong mundo.

Ang itinuturong dahilan nito ay ang mataas na pagkain ng “highly-processed food” at matatamis na inumin at kawalan ng ehersisyo at physical activity.

Binigyan-diin ni Raval ang kahalagahan ng information campaign at pagkakaroon ng intervention upang malabanan ang obesity na maaaring magdulot ng sakit sa isang tao.