CPC ng MT Princess Empress peke

125 Views

Peke umano ang ipinakitang Certificate of Public Convenience (CPC) ng MT Princess Empress.

Ayon sa Maritime Industry Authority (MARINA) NCR regional director Marc Pascua ang kopya ng CPC na inilabas ng Philippine Coast Guard ay hindi authentic.

Sinabi ni Pascua na batay sa rekord ng MARINA ay walang CPC ang MT Princess Empress. Wala rin umanong pinipirmahan si Pascua na CPC para sa naturang tanker.

Ayon sa PCG pinapayagang maglayag ang MT Princess Empress matapos itong magsumite ng CPC noong Pebrero 27.

Ang RDC Reield Marine Services, ang may-ari ng MT Princess Empress ay mayroon umanong valid company CPC pero hindi kasali rito ang MT Princess Empress.