Crime rate sa QC bumaba ng 19.48%

36 Views

IBINALITA ng Quezon City Police District (QCPD) ang 19.48 percent na pagbaba ng crime rate sa syudad sa loob ng isang buwan.

Ayon kay QCPD Director PCol. Melecio Buslig Jr., bunsod ang pagbaba ng mas pinaigting na kampanya laban sa iba’t-ibang krimen

Dagdag pa ni Buslig, ang pagbaba ng crime rate bunsod ng utos ni Mayor Joy Belmonte na tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng bawat residente at publiko.

Nabatid na sa unang 30 araw ni Buslig, umabot sa 175 anti-drug operations ang isinagawa.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto ng nasa 280 tao na sangkot sa iba’t-ibang krimen at 170 sa mga ito ang itinuturing na ‘tulak’ at 110 ang drug users.

Nakakumpiska rin ang QCPD ng P6.66 milyong halaga ng illegal drugs na kinabibilangan ng 956.73 gramo ng shabu, 943.56 gramo ng marijuana at 29.25 gramo n marijuana kush.

“Our commitment to combat illegal drug activities remains unwavering as we prioritize the safety and well-being of our communities,” ani Buslig.

Tinutukan din ng QCPD ang illegal gambling, illegal firearms at manhunt laban sa mga wanted persons kabilang ang isa sa mga suspek sa pamumugot sa ulo ng security guard ng car showroom na si Alfredo Tabing na si Michael Caballero at Allan Baisa Bagatua na nahaharap na ngayon sa kasong murder.

Pumalo rin sa 97.58% ang Crime Clearance Efficiency, isang indikasyon na epektibo ang strategy ng QCPD.

Nagpasalamat si Col. Buslig kay QC Mayor Joy Belmonte sa patuloy nitong suporta sa pulisya.