Otoko waley balak, girlalu hopya sa dream wedding
Nov 28, 2026
Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Bea, 2nd runner-up sa Best NatCos ng Miss Universe
Nov 28, 2026
Calendar
Arestado ang suspek na ito sa pananaksak sa Binondo, Manila noong Miyerkules. Kuha ni JonJon Reyes
Metro
Parking boy inundayan ng saksak, agaw-buhay
Jon-jon Reyes
Nov 7, 2024
567
Views
KRITIKAL ang isang parking boy makaraang undayan ng saksak sa tagiliran ng nakaaway niya sa panulukan ng C.M. Recto Avenue at Tabora St., Binondo, Manila noong Miyerkules.
Isinugod sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Roldan Carpio ng saksakin ng tumakas na si Adrielle Ronni Acosta.
Nahuli naman sa Oplan Pagtugis ang suspek, ayon sa report.
Base sa ulat ng Juan Luna Police Community Precinct, bandang alas-12:20 ng tanghali naganap ang pananaksak.
Nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng biktima at ng suspek na nauwi sa pananaksak.
Nahaharap sa kasong frustrated homicide ang suspek.
Bus na nag-counterflow sa QC inisyuhan ng SCO
Nov 27, 2026
