Vic Reyes

Customs brokers kasama sa mga ‘unsung heroes’ ng PH

Vic Reyes Jun 1, 2025
29 Views

Idaraos ang PHILIPPINE EXPO 2025 sa Ueno Park, Tokyo Japan sa Hunyo 6-8, 2025.

Ito ay “FRIENDSHIP AND GOODWILL BETWEEN JAPAN AND PHILIPPINES.”

Ang taunang expo ay “Para sa kapayapaan at kaunlaran ng Japan at Pilipinas, ang dalawang bayang pandagat ay nagkakaisa sa puso”

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Her Excellency  Mylene Garcia-Albano, Ambassador of the Republic of the Philippines to Japan: “This annual gathering continues to be a living showcase of how Filipino culture thrives beyond our shores. It is an opportunity to reflect on what it means to be Filipino in a globalized world, where our traditions, creativity, and stories find new expressions and connections. As we engage with our Japanese hosts and international guests, we reaffirm not only our cultural identity but also our sense of community and pride.”

Binabati natin ang bumubuo ng taunang “Filipino Expo,” lalo na kina Hiroshi Katsumata at Lorna Pangan Tadokoro na laging nakaalalay sa mga kababayan nating Filipino sa diyan sa Japan.

Binabati rin natin sina Ma. Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, La Dy Pinky, Roana San Jose, Endo Yumi, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at Patricia Coronel.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

God Bless!

(Para sa inyong komento at pagbati mag-text sa +63 9178624484,email: philipreyes08@yahoo.com.)

****

Kagaya ng mga importador, malaki ang papel na ginagampanan ng mga customs broker sa aduana.

Sa totoo lang, sila ay kabilang sa mga tinatawag na “unsung heroes”ng bansa.

Kagaya nila ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na malaki ang naiaambag sa ekonomiya ng bansa.

Ang mga OFW ay nagtatrabaho para sa kanilang mga mahal sa buhay o pamilya.

Hindi alam ng maraming tao, hindi lang ang importador ang tinutulungan ng isang customs broker.

Tinutulungan din ng mga well-meaning na customs broker ang gobyerno para lumaki ang perang papasok sa kaban ng bayan.

Kagaya ng iba pang professionals, may mga ibang brokers na naliligaw din ng landas.

Pero sa tingin natin ay karamihan ng customs brokers ay nasa puso pa rin ang pagmamahal sa bayan.

“The men and women in customs broker uniform play stellar role in the nation’s socio-economic development,” a BOC official said.

Tama ba, Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio?

***

Ano ba ang nangyayari sa nakatakdang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado?

Kailangang magkaroon ng ending ang impeachment moves laban kay VP Sara.

Nandiyan naman ang senator-judges na lilitis kay Vice President Duterte.

Matagal na pinaghirapan ng mga kongresista para makabuo ng impeachment complaint.

Kailangang ituloy na ang impeachment trial sa Senado.