BBM

DA gagawa ng FMR masterplan

Cory Martinez Jul 19, 2022
223 Views

GAGAWA ang Department of Agriculture ng isang farm-to-market road (FMR) masterplan na gagamitin upang tumaas ang suplay ng pagkain sa bansa.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na siyang tumatayong hepe ng DA ang FMR masterplan ang magsisilbing guide sa pagpapalakas ng mga rural communities upang maparami ang produksyon ng mga ito.

“FMR is the first step to solve some of the supply chain problem. So unahin muna natin ‘yung nagpo-produce,” sabi ni Marcos.

Sinabi ni Marcos na dapat matukoy sa plano ang eksaktong lugar kung saan itatayo ang mga FMR

Ang masterplan ay kailangan umanong ipresinta sa mga economic manager at dapat nakalagay dito kung magkano ang pondo na gugugulin, saan kukunin ang pondo at ang panahon kung kailan dapat makompleto ang proyekto.

Ang DA, at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang bahala sa mga FMR project na popondohan ng gobyerno, ayon kay Marcos.

Ang mga itatayong FMR ay dapat umano climate change–resistant.

Ipinag-utos din ni Marcos ang pagpapa-ikli ng pagproseso sa mga proyekto ng DA para mas mabilis na maisakatuparan ang mga ito.