Calendar

Dalaga pumasok sa CR ng QC fastfood, baril pumutok, nakitang dedo
PATAY na at may isang tama ng bala sa ulo ang 28-anyos na dalaga ng matagpuan sa comfort room ng fastfood sa Quezon City noong Sabado.
Sa report ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang insidente bandang alas-10:35 ng umaga sa fastfood sa Quirino Highway, Brgy. Gulod, Novaliches.
Ayon sa security guard ng establisyemento, nakita niyang pumasok ang biktima at tumuloy sa toilet.
Makalipas ang ilang minuto, isang putok ang narinig kaya pinuntahan nila ang toilet.
Kinatok nila ang biktima subalit hindi sumagot kaya napilitan silang sirain ang pinto. Pagbukas ng pinto nakita nila ang duguang biktima na may tama ng bala sa ulo.
Nakuha ng SOCO team ng QCPD-FU sa pangunguna ni P/Cpt. Darrell Ebol sa crime scene ang isang basyo ng bala at isang 9mm pistol.