Sara

Dami ng estudyante sa bawat silid-aralan hindi itatakda ng DepEd

329 Views

WALA umanong itatakdang panuntunan ang Department of Education (DepEd) kung ilang estudyante ang dapat na magkakasabay na nasa loob ng isang silid-aralan kapag nagbalik na 100 porsyentong face-to-face classes sa Nobyembre.

Ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte batay sa Department Order no 34 ipatutupad lamang ang social distancing kung posible itong magawa.

“Hindi po kami naglagay ng exact size ng class dahil iba-iba po yung situation ng lahat ng mga schools natin,” sabi ni Duterte.

Mayroong mga panawagan na ilimita sa 20 ang bilang ng mga estudyante sa silid-aralan ng pampublikong paaralan.

“Ang inilagay natin doon (DO no. 34) at in-approve din ng Pangulo during the Cabinet meeting is that physical distancing shall be implemented whenever possible,” giit ni Duterte.

Sinabi ni Duterte na matatagpuan din sa DO no. 34 ang panuntunan sa pagkain sa loob ng paaralan.

Ipinagbabawal umano ang pagkain ng magkakaharap lalo kung limitado ang lugar.

“Naglagay lang din po kami doon ng guide about eating dahil ito po yung isa sa mga instances na nagtatanggal tayo ng mask, na eating together should be prohibited and kung limited yung spaces doon sa loob ng eskwelahan para tayo ay maghiwahiwalay habang kumain ay we all eat facing the same direction. So hindi po magkaharap yung mga tao,” sabi pa ni Duterte.

Magsisimula ang klase sa mga pampublikong paaralan sa Agosto 22.