Calendar
Daquioag nagpasikat sa Calasiao
NAGPAKITANG gilas si Ed Daquioag at pinutol ng Pangasinan Heatwaves ang kanilang four-game slide upang payukuin ang Parañaque Patriots, 68-60, sa maaksyong enkuwentro sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Calasiao Sports Complex sa Pangasinan.
Umiskor si Daquioag ng 11 sa kanyang 16 points sa fouuth quarter, kabilang na ang isang matikas na three-point shot sa harap ng kanilang masugid na home crowd para itala ang 3-7 win-loss record ng Heatwaves ni coach Jerson Cabiltes.
Nakatulong ni Daquioag sina Hesed Gabo, na nag-ambag din ng five sa kanyang 16 points sa fourth quarter; at Ralph Robin, na may 11 points.
Nanguna sina JP Sarao, sa kanyang 13 points at Jielo Razon sa kanyang 10 points, seven rebounds at four assists para sa Parañaque, na bumaba sa 7-4 record.
Nag-dagdag si John Uduba ng nine points at 13 rebounds para sa Patriots, na nahila pababa ng kanilang masamang free throw shooting ( 11-o-f 24).
Ang MPBL, na tinaguring “Liga ng Bawat Pilipino”, ay itinatag ni Sen. Manny Pacquiao upang bigyan ng pagkakataong makalaro ang mas madaming Filipino players.
Si PBA legend na si Kenneth Duremdes ang MPBL Commisisoner.
The scores;
Pangasinan (68) – Gabo 16, Daquioag 16, Robin 11, Tolentino 5, Meneses 5, Mabulac 5, Melencio 4, Caasi 2, Taganas 2, Miranda 2, Bautista 0, Dyke 0, Villamor 0, Gabriel 0, Tan 0.
Parañaque ( 60) — Sarao 13, Razon 10, Uduba 9, Pido 8, Gallano 6, Yee 6, Umali 3, Manalang 2, Castro 2, Villanueva 1, Olegario 0, Elorde 0, Vizcarra 0, Loyola 0, Martel 0.
Quarterscores: 21-9, 34-34, 48-45, 68-60.