Calendar
Dating mag-asawa na magkaibigan pa rin
TULAD ng maraming celebrity ex-couples, maganda ang relasyon bilang magkaibigan ng dating mag-asawang Lotlot de Leon at Ramon Christopher (Gutierrez) dahil na rin sa kanilang apat na anak na sina Janine, Jessica, Diego at Maxine Gutierrez. Katunayan, nagsama at nagkatrabaho pa sina Lotlot at Ramon Christopher sa isang TV series ng GMA, ang “The Write One” nung 2023.
Matagal nang hiwalay ang former couple na sina Lotlot at Ramon Christopher at may bago nang mister si Lotlot, ang Lebanese businessman na si Fadi El Soury na tanggap ng mga anak nila ni Monching (Ramon Christopher).
Marami naman ang natuwa nang makita nilang magkasama sa Christmas celebration ang former couple na sina Lotlot at Monching gayundin ang mister ngayon ng aktres na si Fadi El Soury kasama ang kanilang mga anak maging ang dalawa sa tatlong anak ng estranged couple na sina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco na sina Rikki Mae at Ara Davao at ang boyfriend ngayon ni Janine, ang actor na si Jericho Rosales. Ito bale ang first Christmas together nina Janine at Jericho at first time din ng Kapamilya actor to spend Christmas with Janine’s family.
Jericho was formerly married to Kim Jones sa loob ng halos limang taon pero nagkahiwalay ang dating mag-asawa nung 2019. Wala silang anak. Ang actor ay may 24-year-old son na si Santino Rosales sa dating model na si Kai Palomares. Si Janine naman ay dating naging kasintahan ang actor na si Paulo Avelino na nobyo naman ngayon ni Kim Chiu.
‘Pasaring’ sa MMFF awards night
DALAWANG taon nang nananalong Best Picture ang entry ng GMA Pictures, ang “Firefly” nung 2023 at “Green Bones” ngayong 2024 pero marami ang nagtataka kung bakit hindi nananalong Best Director na si Zig Dulay kahit napakaganda ng pagkakadirek niya ng dalawang nabanggit na pelikula na parehong naging kalahok sa Metro Manila Film Festival.
Sa nakaraang 50th Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival na ginanap sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino in Paranaque City, ang pelikulang “Green Bones” ang nakapag-uwi ng anim at pinakamaraming awards among the ten entries at ang mga ito ay Best Picture, Best Actor (Dennis Trillo) Best Supporting Actor (Ruru Madrid), Best Child Actress (Sienna Stevens) Best Cinematography (Neil Daza) at Best Screenplay (Ricky Lee and Anj Atienza).
Ang Best Director award ay nag-tie sa pagitan nina Michael `Mike’ Tuviera ng “The Kingdom” at Crisanto Aquino (“My Future You”) habang naitsapwera naman sina Chito Rono (ng “Espantaho”), Zig Dulay (“Green Bones”), Dan Villegas ng “Uninvited,” Jun Lana (ng “And the Winner Is….”), Richard Somes ng “Topakk” at Jason Paul Laxamana ng “Hold Me Close”.
Samantala, gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na na-offend umano ang bumubuo ng jurors ng 50th Metro Manila Film Festival sa magkahiwalay na acceptance speech nina Vice Ganda (ng “And The Breadwinner Is….”) at Direk Richard Somes ng “Topakk”) na may kasama umanong pasaring sa tinanggap nilang special award.
Ang Board of Jurors ng 50th Metro Manila Film Festival ay pinamunuan ng author, film critic at founding member ng Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP)na si Nicanor Tiongson co-chaired by Film Development Council of the Philippines chairman, ang writer-director na si Jose Javier Reyes, kasama ang veteran scriptwriter na si Roy Iglesias, entertainment journalist na si Marinel Cruz, Philippine Motion Pictures Producers Association (PMPPA) producer Jesse Ejercito, Film Academy of the Philippines Director Paolo Villaluna at iba pa.
Among the ten official entries ng ongoing 50th MMFF, ang pelikula ni Vice Ganda under Star Cinema na “And The Breadwinner Is….” ang siyang nangunguna sa takilya habang mahigpit namang nakalaban ni Dennis Trillo (ng “Green Bones”) bilang Best Actor si Arjo Atayde ng “Topakk”.
Kung matatandaan pa, nung isang taon ay nanguna rin sa takilya ang entry ng Star Cinema, ang “Rewind” na pinagbidahan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera pero wala rin itong napanalunang award mula sa MMFF. Nakapag-contribute din ito ng halos 90% sa box office ng 2023 MMFF na kumita ng mahigit isang bilyong piso. Ang box office receipt ng “Rewind” alone ay umabot ng mahigit P900M.
Marami rin ang nagsasabi na kung hindi ang malaking contribution ng Star Cinema movie sa MMFF, tiyak na bagsak umano ang box office gross receipt ng nasabing filmfest.
Hindi nag-participate sa loob ng tatlong taon ang Star Cinema ng ABS-CBN kaya bagsak ang taunang filmfest dahil na rin sa pandemya. It was only last year at sa taong ito muling sumali ang film outfit ng ABS-CBN.
Ang Star Cinema rin (in cooperation with GMA Pictures) ang may tangan ng highest grossing film of all time sa pamamagitan ng “Hello, Love, Again” na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards plus the two other record-breaking movies, ang “Hello, Love, Again” in 2019 at “Rewind” nung 2023.
Samantala, patuloy pa ing pinipilahan sa mga sinehan nationwide ang pelikulang pinagbibidahan ni Vice Ganda, ang “And the Breadwinner Is….” Gayundin ang iba pang mga pelikula na kalahok sa 50th MMFF.
Dennis at Jennylyn maraming ipinagdiriwang
MASAYANG-masaya ang celebrity couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado dahil bukod sa panalo ni Dennis bilang Best Actor sa katatapos pa lamang na Gabi ng Parangal ng 50Th Metro Manila Film Festival, humakot ang pelikulang “Green Bones” ng may pinakamaraming awards (with 6). Bukod sa Best Actor, ito rin ang nakapag-uwi ng Best Picture, Best Supporting Actor (for Ruru Madrid), Best Child Actress (Sienna Stevens), Best Cinematography (Neil Daza) at Best Screenplay (Ricky Lee and Anj Atienza). Higit sa lahat, ito bale ang first time ng mag-asawa na pumasok bilang co-producers ng pelikula under Brightburn Entgertainment kung saan Board of Directors din ang kanilang manager na si Becky Aguila, Katrina Aguila at Jan Enriquez.
Brightburn Entertainment co-produced the movie “Green Bones” with GMA Pictures and GMA Public Affairs.
Dahil sa tagumpay ng “Green Bones,” tiyak na magtutuloy-tuloy na rin ang pagpu-produce ng Brightburn Entertainment ng iba pang pelikula.
Ruru lalong pagbubutihan mga ginagawang proyekto
WALANG pagsidlan ng kaligayahan ang young Kapuso actor na si Ruru Madrid na siyang tinanghal na Best Supporting Actor for his role in “Green Bones” na isa sa sampung pelikulang kalahok sa tumatakbong Metro Manila Film Festival.
Kasama ni Ruru ang kanyang girlfriend na isa ring Kapuso na si Bianca Umali nang dumalo sa Gabi ng Parangal without expecting anything dahil alam niya na mabibigat ang kanyang mga kalaban sa Best Supporting Actor award kaya nagulat umano siya nang ang kanyang pangalan ang tawagin.
Aminado si Ruru na sobra umano siyang na-challenge sa kanyang role in “Green Bones” na siyang nakapag-uwi ng anim na awards including Best Picture.
Dahil sa kanyang kauna-unahang acting award, lalo umano niyang pagbubutihan ang kanyang pagganap sa kanyang mga ginagawang proyekto. Masaya naman nila ni Bianca haharapin ang pagsi-celebrate ng Bagong Taon.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “Inside SHOWBIZ, atbp wth Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram@asteramoyo and X@aster_amoyo.