Fake

Dating opisyal ng bgy nahatulan ng 2 taong kulong

Jun I Legaspi Jul 31, 2024
133 Views

Dahil sa pamemeke ng driver’s license

BIGAY todo ang Land Transportation Office (LTO) sa kampanya para parusahan ang mga fixer at iba pang sangkot sa ilegal na aktibidad gamit ang ahensya matapos mahatulan ng dalawang taong pagkakulong ang isang dating opisyal ng barangay dahil sa pamemeke ng driver’s license.

Bukod sa dalawang taong pagkakakulong, inutusan din ng Municipal Trial Court sa Iloilo si Mary Jane B. Bama na magbayad ng P5,000 na multa para sa kanyang mga ilegal na gawain.

Sinabi ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na ang mga parusa na ibinibigay kay Bama ay dapat magsilbing isang malakas na mensahe sa lahat ng mga taong sangkot sa iligal na aktibidad gamit ang LTO na ang ahensya ay lumalaban ngayon upang matiyak na walang mga kliyenteng madadaya.

“Hindi tayo papayag na may mga kliyente tayong mai-scam ng mga taong ito dahil bawat sentimong kanilang binibitawan ay mahalaga dahi pinag-hirapan ito. Magsilbi sanang aral ito sa iba na tumigil na sa kanilang mga iligal na gawain,” saad Assec Mendoza.

Pinuri ni Assec Mendoza ang LTO Region VI sa kanilang pagsisikap na linisin ang lahat ng opisina nito sa mga ilegal na aktibidad, kabilang ang pagsasampa ng mga kaso at ang kasunod na legal na opensiba.

Sa pagsisikap ng LTO Reign VI, si Bama ay hinatulan ng limang bilang ng falsification ng isang pribadong indibidwal sa ilalim ng Article 172, Paragraph 1 kaugnay ng Article 171 ng Revised Penal Code.

Nag-ugat ang mga kaso sa operasyon laban sa mga taong sangkot sa pamemeke ng driver’s license kung saan inaresto si Bama.