Martin Dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Dating Speaker Romualdez idiniin mga aral na iniwan ng Bagyong Yolanda, kahalagahan ng kahandaan

460 Views

Martin1HABANG papalapit ang Severe Tropical Storm Uwan sa Luzon, pinangunahan ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng Leyte nitong Sabado ang paggunita sa ika-12 anibersaryo ng Super Typhoon Yolanda (Haiyan) ― isa sa mga pinakamalalakas na bagyo sa kasaysayan ― na may mensahe ng pag-alala, katatagan at muling paghahanda.

“Twelve years have passed, but the lessons of Yolanda remain deeply etched in our hearts. We honor the memory of those we lost by ensuring that their sacrifice continues to inspire preparedness, compassion and solidarity among our people,” ani Romualdez.

Sinabi ng mambabatas mula Leyte, na kabilang sa mga lugar na pinakamatinding tinamaan ng Yolanda noong Nobyembre 8, 2013, na habang ginugunita ang anibersaryo nito ay muling humaharap ang bansa sa banta ng isang malakas na bagyo.

“Malinaw ang nakuha nating aral noong Yolanda: hindi natin kayang pigilan ang bagyo, pero kaya nating paghandaan ito nang may pagkakaisa at malasakit. Ang kahandaan ay hindi lamang responsibilidad ng pamahalaan kundi ng bawat Pilipino,” pahayag niya.

“Early warnings must be heeded, evacuation plans must be ready and supply lines must be steady. Community networks matter, from barangay leaders to youth groups to civil society.

Preparedness is not a one-time effort, it is an everyday discipline that protects lives,” dagdag niya.

Sinabi ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre na nagsimula na ang Tingog team sa pag-preposition ng relief goods sa mga bulnerableng lugar at paghahanda ng mainit na pagkain para sa evacuees kapag nagsimula ang relokasyon.

Ayon kay Romualdez, ang pinsalang dulot ng Yolanda ay tuluyang nagbago sa paraan ng bansa sa pamamahala ng sakuna at pagpapatatag ng komunidad.

Bilang paggunita, sinabi ni Acidre na magkakaroon ng banal na misa, kasunod ang candle-lighting activity sa mga lansangan ng Tacloban City gabi ng Sabado, at pag-aalay ng bulaklak sa anim na mass grave sites ― Holy Cross Cemetery, Shipwreck, Yolanda Marker (Astrodome), San Joaquin, Tanauan at Palo Cathedral ― bilang parangal sa mga nasawi noong Yolanda.

“From that tragedy emerged a stronger sense of community. We rebuilt not just homes but hope. We restored not just roads and schools but the spirit of our people,” aniya, at binigyang-diin na ang kuwento ng pagbangon ng Leyte ay patunay ng hindi matitinag na kalooban ng Pilipino.

Nagpahayag siya ng pasasalamat sa mga humanitarian partners, lokal na lider at libu-libong volunteers na tumulong sa muling pagbangon ng Leyte at Visayas matapos ang mapaminsalang bagyo.

“The Yolanda generation proved that even in the face of unimaginable loss, the Filipino spirit cannot be broken. We learned to stand together, to care for one another, and to face every storm with courage and faith,” pahayag ni Romualdez.

Habang nagbabanta ang Bagyong Uwan sa Northern at Central Luzon, nanawagan ang dating Speaker sa lahat ng Pilipino na manatiling alerto at magkaisa upang matiyak ang zero casualty sa pamamagitan ng maagap na paghahanda at koordinasyon ng mga pambansang ahensya at lokal na pamahalaan.

“As we remember Yolanda today (Sabado), we also face Typhoon Uwan, which weather forecasters say could reach super typhoon strength. I ask everyone to stay tuned to PAGASA, LGUs and response agencies, follow official advisories and prepare to move early if your area is at risk. Your safety always comes first,” aniya.

“Strength is in our collective action: magtulungan tayo sa gitna ng malakas na bagyong ito. And on the 12th anniversary of Yolanda, we reaffirm our commitment to work with mayors, governors, national agencies, responders and civic partners so that relief is swift and communities are safer after every storm,” dagdag pa ni Romualdez.

“May the memory of those we lost guide us toward unity and prudent action, and may God keep our people safe in the days ahead,” ani Romualdez.