DBM

DBM inihahanda na pagpapalabas ng P3B fuel subsidy

158 Views

INIHAHANDA na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P3 bilyong halaga ng fuel subsidy na ibibigay sa mga drayber ng pampublikong sasakyan.

Ayon sa DBM, mayroon ng Special Allotment Release Order (SARO) at Notice of Cash Allocation (NCA) para sa Department of Transportation (DOTr) Fuel Subsidy Program.

Natanggap na rin umano ng DBM ang Joint Memorandum Circular (JMC) at Memorandum of Agreement (MOA).

Target ng programa na makapagbigay ng 1.36 milyong operator at drayber– 280,000 public utility vehicles (PUV), 930,000 tricycle, at 150,000 delivery drayber.

“The initiative aims to bring some respite to these transportation stakeholders who are currently grappling with the repercussions of heightened fuel prices,” sabi ng DBM.

Noong nakaraang buwan ay sinabi ng DBM na mayroong pondo para sa naturang programa pero hindi pa umano naipapapalas ang pondo dahil kulang pa ang mga dokumentong naisumite.