Bato

Dela Rosa nagpahayag ng suporta sa gobyerno

114 Views

TAHASANG sinabi ni Senador Ronald Bato dela Rosa na walang pupuntahan ang anumang galawan ng sinuman grupo para mapatalsik ang Pangulong Ferdinand BongBong Marcos jr. bilang pangulo ng Pilipinas.

Sa isang panayam sa mga mamamahayag, sinabi ni Sen. dela Rosa na hindi makakalusot ang sinuman grupo na nagbabalak ng ganitong uri ng pagpaplano laban sa kasalukuyan gobyerno.

” I will not support any destabilization move against President Marcos Jr. Walang pupuntahan ang ganitong plano. Destab will affect our lives and our family. Any move to oust President Marcos jr. will surely fail.” ani Dela Rosa.

“Basta ako I am here to support the Constitution and the legal and duly constituted government,” giit ni dela Rosa na nagdiwang ng kanyang kaarawan sa Senado ngayon araw.

Nauna rito ay binulgar ni Sen. Imee Marcos ang ikinakasang rally aniya para ipakita ang supporta ng mga tagataguyod ni PBBM sa darating na Enero 28, araw ng Linggo.

Inamin ni Senadora Marcos na nasorpresa siya ng makatanggap ng abiso para sa pagtitipon na pagpapakita ng supporta sa kanyang nakababatang kapatid.