Calendar
Delicadeza ang nasa likod ng pagbibitiw ko sa Bicam–Rep. Momo
GU𝗦TO lang ni Surigao del Sur 1st district Rep. Romeo Momo, Sr. maprotektahan ang integridad ng 2026 national budget kaya siya nagbitiw bilang miyembro ng House contingent sa bicameral conference committee (Bicam).
Ayon sa kongresista, “delicadeza” ang main reason sa pagbibitiw niya at hindi para umiwas sa flood control issue.
Ayaw din niyang bigyan ng pagkakataon ang kaniyang mga kalaban sa pulitika na makasilip ng panibagong butas upang siya ay mas lalong dikdikin.
“I resigned not because I’m guilty but because gusto ko lang ipakita na mayroon akong delicadeza. I want to preserve the integrity of the result of the Bicam,” paliwanag ng mambabatas.
Ipinahayag pa ni Momo na ang mga nasa likod ng isinampang reklamo laban sa kaniya ay isang dating pulitiko na nakalaban niya noong nakalipas na eleksyon.
Ayon sa kanya, posibleng nasa likod ng inihaing plunder case laban sa kaniya ang tinalo niyang pulitko.
“Dahil diyan, I think nandoon yung tinatawag na political vendetta dahil tinalo namin iyan noong nakalipas na eleksyon.
Kahit yung mga tao sa aming lalawigan ay alam na alam kung ano ang totoong dahilan ng kasong isinampa nila laban sa akin,” wika pa ni Momo.

