Calendar
Dennis at Jennylyn sumabak sa target shooting
Sumabak sa target shooting ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado in preparation for their upcoming action series sa GMA.
Parehong pulis ang kanilang magiging karakter sa reunion series kaya required na matuto silang bumaril.
First time ni Jen na humawak at magpaputok ng baril bilang may takot siya sa mga blasting at malalakas na putok.
“Kanina ninenerbyos pa ako pero unti-unti. Kahit New Year kasi nagtatago talaga ako, hindi ko kaya ‘yung mga fireworks, ‘yung blastings, putok, ganyan, kaya medyo ninenerbyos talaga ako,” sey ni Jen sa panayam sa “24 Oras.”
Sey naman ni Dennis, “Pero ngayon, unti-unti, nagiging komportable kami, naturuan kami kung papaano mag-handle, ‘yung mga safety na kailangan mong tandaan kapag gagamit ka nung mga ganu’ng klaseng weapons. Once na natutunan mo naman na at nalaman mo na ‘yung importante, mababawasan na ‘yung kaba mo.”
Kasama rin nina Dennis at Jennylyn sa target shooting ang kanilang co-stars na sina Allen Dizon, Joross Gamboa, John Vic de Guzman, Kiel Rodriguez, Seb Pajarillo at James Lucero.
Ipinost din ng Kapuso Ultimate Star sa Instagram ang mga larawan niya habang nagta-target shooting.
“New skill unlocked,” caption niya.
Bukod sa preparations for their new series, busy rin ang mag-asawa sa kanilang reunion movie na “Everything About My Wife” na showing na sa mga sinehan sa Feb. 26.