Frasco

Deputy Speaker Duke Frasco, namahagi ng titulo ng lupa sa mga residente ng Camotes Island

Mar Rodriguez Nov 26, 2024
50 Views

Frasco1Frasco2PAGKATAPOS ng mahabang panahon at ilang dekadang paghihintay ng mga pamilyang walang permanteng lupa sa Camotes Island, Cebu City, nagkaroon ng solusyon ang kanilang problema matapos itong tugunan ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco.

Ito ay matapos mamahagi ng titulo ng lupa ang House Deputy Speaker para sa libo-libong residente ng Camotes, Island na isinagawa sa Munisipalidad ng San Francisco.

Sabi ni Frasco na ang makasaysayang aktibidades ay bilang katugunan at solusyon sa napakatagal na aniyang pagsisikap ng mga mahihirap na pamilya sa Camotes Island upang mapasa-kanila ang lupaing kinatitirikan ng kanilang mga bahay.

Nabatid sa kongresista na ang mga ipinamahaging titulo ng lupa ay inisyu o inilabas ng Cebu Province Registry of Deeds sa pamamagitan ng pakikipag-koordinasyon nito sa Department of Environment and Natural Resources – Community Environment and Natural Resources Office (DENR-CENRO).

Sabi pa ni Frasco na 76 na Certificate of Titles ang ipinamahagi nila para din sa 76 lot owners. Aniya, hindi na magkakaroon ng pangamba ang mga nasabing residente dahil pag-aari na nila ang mga lupang kinatitirikan ng kanilang mga bahay.

“At the heart of our efforts to help secure the issuance of these land titles is to bring justice to families who have long toiled on those lands. The people of Camotes deserve a life of opportunity and stability. That includes upholding their rights of ownership over their lands. Sa mahabang panahon, sinulusyunan na natin ang problema ng ating mga kababayan na walang sariling lupain,” sabi ni Frasco.

Ayon pa kay Frasco, mula nang siya ay manungkulan bilang kongresista o kinatawan ng ika-limang Distrito, sinikap na nitong ipaglaban upang magkaroon ng sariling lupain ang kaniyang mga kababayan sa pamamagitan ng paghahain nito ng House Bill No. 4785 noong 2019 na pumasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara de Representantes noong 2020.