Huli

‘Di lisensyadong boga nasamsam sa 2 lalaki

Edd Reyes Mar 30, 2025
20 Views

DALAWANG lalaki na nag-iingat ng hindi lisensyadong baril ang nadakip ng mga pulis sa Caloocan City noong Biyernes.

Unang sinalakay ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals ang bahay na nadakip na si alyas Naldo, 35, sa Brgy. 167 dakong alas-10:50 ng gabi.

Nakuha ng mga pulis ang isang kalibre .38 revolver na may apat na bala sa loob ng drawer ng suspek.

Dakong alas-3:10 ng Sabado ng hapon sinalakay ng mga tauhan ng West Grace Park Police Sub-Station-3 ang bahay ni alyas Rene, 33, sa Florencia St., 12th Avenue, Brgy. 71.

Nakuha sa bahay ng suspek ang walang papeles na kalibre .9mm pistol na may tatlong bala.

Sinampahan na ang dalawang nadakip sa magkahiwalay na operasyon ng kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) sa Caloocan City Prosecutor’s Office.