Martin1

‘Di sangkot sa anomalya at walang reklamo ng Ombudsman vs Ex-Speaker Romualdez–abogado

Mar Rodriguez Apr 23, 2026
34 Views

ITINANGGI ng kampo ni dating House Speaker at Leyte 1st district Rep. Ferdinand Martin Gomez Romualdez ang mga akusasyon ng anomalya kasabay ng pahayag na wala pa silang natatanggap na reklamo mula sa Tanggapan ng Ombudsman.

Sinabi ng abogado at tagapagsalita ni Rep. Romualdez na si Atty. Ade Fajardo na: “Wala pa kaming natatanggap na anumang opisyal na kopya ng sinasabing reklamo mula sa Tanggapan ng Ombudsman.”

Mariin at malinaw na itinatakwil ng dating Speaker ang mga akusasyon, at binigyang-diin na si Romualdez ay kumilos sa lahat ng pagkakataon nang naaayon sa batas, dagdag pa ng abogado.

Binigyang-diin ni Atty. Fajardo ang pangangailangang sumunod sa tamang proseso.

“Inaasahan naming masusunod ang due process. Kapag pormal na kaming nabigyan ng kopya, tutugon kami nang buo sa tamang forum,” ayon kay Atty. Fajardo.

Nanindigan ang kampo ni Romualdez na handa silang sagutin ang mga alegasyon sa sandaling matanggap ang opisyal na abiso.