Diego

Diego kay Janine: Kung saan siya masaya, dun ako masaya

Vinia Vivar Sep 27, 2024
4 Views

NAKA MOVE ON na ang singer/songwriter na si Diego Gutierrez sa dinaanang breakup with his non-showbiz girlfriend isang taon na ang nakararaan.

Humarap ang younger brother ni Janine Gutierrez sa pocket interview kahapon para sa promo ng kanyang bagong single na “Huling Sayaw” na siya rin ang nagsulat.

He revealed na dahil sa nga sa pinagdaanang breakup kaya niya nabuo ang kanta.

“’Huling Kanta’ is about the dying stages of the relationship. It’s the first song I wrote after the break-up,” sey ni Diego.

Aniya ay seven years din ang kanilang naging relasyon at naging maayos naman ang hiwalayan.

Nang matanong ang dahilan ng breakup, sey ng singer/songwriter, “I guess, different timelines lang kami. Parang no hard feelings naman at all. It’s all love at the end of the day.”

Dagdag pa niya, at that time ay ‘yun siguro ang best para sa kanila.
Bagama’t malungkot ang kanta, ayon kay Diego ay hindi na siya sad ngayon.

“I’m in a better place right now,” he said.

Kwento pa niya, nang una niya itong iparinig sa mommy niya (Lotlot de Leon) at sa Ate Janine niya ay naiyak ang mga ito.

Speaking of Janine, natanong din si Diego kung ano ang masasabi niya sa pagkaka-link ng ate niya kay Jericho Rosales.

“Ako naman ever since, kung sa’n lang masaya ang mga kapatid ko, ang family ko, lalo na si Ate Janine, then do’n din ako masaya. And nakikita ko naman talaga na masaya siya now,” sabi ni Diego.

Na-meet na raw niya si Echo at komento niya sa aktor, “I think he’s a good guy.”

Samantala, ngayong Oct. 2 na ire-release ang “Huling Sayaw” single ni Diego sa music streaming apps at kasunod nito ay mapapanood na rin ang music video sa YouTube.