BBM1

Digitalization ng listahan ng  magsasaka aprub kay PBBM

346 Views
IKINALULUGOD ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang digitalization ng farmer registry at paglikha ng digital food balance sheet (FBS) na magagamit sa pagpapa-unlad ng sektor ng agrikultura.

Sa isinagawang pagpupulong ng Private Sector Advisory Council (PSAC) sa Malacañang, kinilala ng Pangulo ang pangangailangan na ma-update at ma-digitalize ang proseso at sistema ng agriculture sector.

“Well, if we can get digitalization in place as quickly as possible…everyone needs it. So that’s what you need to do is you get the system in place, specific for the agriculture. Hopefully, it will become part eventually of the government system,” ani Pangulong Marcos.

Ang paggamit ng FBS ay inaasahan na magpapataas sa kinikita ng mga magsasaka.

Ayon sa PSAC, ginagamit din ng Kenya ang FBS. Kakailanganin naman umano ng 12 linggo bago matapos ang gagawing digital balance sheet.

Ginagamit din umano ang kaparehong pamamaraan sa Indonesia.

Sa pamamagitan ng FBS mas magiging madali umanong matutukoy ang mga datos kaugnay ng produktong agrikultural.

Ikinatuwa rin ng Pangulo ang rekomendasyon ng PSAC na mamigay ng mga seedling ng niyog sa mga magsasaka.

May nakalaan ding P1.2 bilyon para sa pagsasanay ng mga magsasaka ng niyog upang tumaas ang kanilang produksyon.