Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Baha

DILG balak pagpaliwanagin Baste kung bakit wala sa Davao noong binabaha

232 Views

HABANG binabaha ang Davao City noong Linggo, nasa Tacloban City naman umano ang mag-amang Rodrigo at Davao Mayor Sebastian Duterte para mangampanya.

Bunsod nito ay plano ng Department of Interior and Local Government (DILG) na pagpapaliwanagin si “Baste” kung bakit wala ito sa kanyang nasasakupan o pwesto habang binabaha ang kanyang mga kababayan.

Ayon sa DILG, nakasaad sa Local Government Code na ang local chief executive ay dapat nasa kanyang area of responsibility para matiyak ang kaligtasan ng kanyang mga constituents sa panahon mg kalamidad.

Isang malakas na flashflood ang tumama sa Toril, Davao City matapos ang ilang araw na pag-ulan sa lugar .

Kita naman sa ilang larawan at video na ipinost ng mga taga-Tacloban City ang mag-amang Duterte sa itaas ng entablado na tila nangangampanya na.

Kamakailan sinabi ni Vice President Sara Duterte na tatakbo ang kanyang ama at dalawang kapatid sa senado sa 2025 midterm election.

Wala pa namang reaksyon si Mayor Duterte hinggil sa pagtungo niya sa Leyte habang binabaha ang Davao City.