Calendar
DILG sec: I-report sa 911 mga banta ng karahasan
SI Secretary Jonvic Remulla ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ay nanawagan sa publiko na i-report ang anumang banta ng karahasan sa paaralan sa Unified 911 hotline.
Ang panawagan ay kasunod ng aksyon ng mga awtoridad sa isang umano’y banta laban sa Tolosa National High School sa Leyte.
Ayon sa imbestigasyon ng CIDG, ang nakababahalang post sa social media ay nagmula sa isang 14-taong gulang na estudyante na gumamit ng maraming account upang magpakalat ng mensahe.
Walang natuklasang ebidensya ng organisadong plano, kasabwat o armas.
Ayon kay Remulla: “Any threat is considered live until it is neutralized.”
Itinuro rin ng kalihim na ang kamakailang insidente ng pamamaril sa Tacloban ay maaaring nakaimpluwensya sa sitwasyon sa Tolosa, kaya’t mahalaga ang maagap na pagbabantay.
Pinuri ni Remulla si Sen. Bam Aquino sa pag-alerto sa mga awtoridad na nagbigay-daan sa agarang aksyon ng pulisya.

