OFW

DMW: ika-91 batch ng Pinoy workers sa Lebanon balik-PH

Jun I Legaspi Nov 24, 2024
43 Views

INIULAT ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagpapauwi sa ika-91 batch ng mga Pinoy workers mula sa Lebanon na binubuo ng 75 indibidwal.

Sa latest batch ng repatriated Pinoys, umaabot na sa 1,191 OFWs at 52 na dependents ang nakauwi mula sa Lebanon.

Binigyan ang mga repatriated Pinoys ng pinansyal at pangkabuhayan na tulong mula sa DMW, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nakatanggap din sila ng mga educational vouchers mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na maaaring magamit kung nais nilang magpatuloy sa pag-aaral ng mga bagong kasanayan o para sa kanilang mga dependents.

Samantala, ang National Reintegration Center for OFWs ng DMW nag-aalok ng mga livelihood programs at tulong sa mga oportunidad sa trabaho upang matiyak ang maayos na pagsasama nila pabalik sa kanilang lokal na komunidad.

Ilan sa mga repatriates ang nag-avail ng libreng medical check-up at gamot na inaalok ng New NAIA Infra Corporation (NNIC) Medical Team.

Maaari rin nilang i-avail ang libreng psychosocial services para sa mga nakaranas ng trauma dulot ng kaguluhan sa Lebanon at sa mga nakaranas ng pang-aabuso mula sa kanilang mga employer.