Ople

DMW nagbabala laban sa travel consultancy company na nag-aalok ng trabaho abroad

223 Views

NAGBABALA ang Department of Migrant Workers (DMW) sa publiko laban sa mga travel consultancy company na nag-aalok ng trabaho sa ibang bansa.

Sinabi ni DMW Secretary Susan Ople na iligal ang paraang ito dahil ang mga legal na recruitment agency lamang ang pinapayagan na kumuha ng mga empleyado na ipadadala sa ibang bansa.

“Please do not transact with travel consultancy firms offering jobs abroad. Illegal recruitment ‘yan. May naghihintay na one-way ticket sa kulungan ang mga nagpapatakbo ng ganyan,” ani Ople.

Ipinasara ng Anti-Illegal Recruitment Branch (AIRB) ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang isang kompanya sa Pampanga kamakailan dahil sa pag-alok umano ng trabaho sa Poland.

Naghahanap umano ang ipinasarang travel consultancy firm ng drayber ng trak, welder, at factory worker na sasahod umano ng P35,000 hanggang P124,000.

Humihingi umano ang travel consultancy firm ng P122,000 sa mga aplikante.

Sinabi ni Ople na walang kopya ng valid na overseas job order ang travel agency.

Ang mga nabiktima ay maaaring umanong makipag-ugnayan sa DMW sa pamamagitan ng Facebook page ng AIRB, [email protected], o sa hotline +63 2 8721 0619.