Vergeiri

DOH: Nahahawa ng COVID-19 posibleng lumobo sa 9k kada araw

213 Views

NAGBABALA ang Department of Health (DOH) na posibleng umakyat sa 9,000 ang nadaragdag sa bilang ng mga nahahawa ng COVID-19 sa huling bahagi ng Setyembre hanggang Oktobre kung magpapatuloy ang hindi pagsunod sa minimum health protocol.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ito ay dahil sa pagdami ng mga lumalabas bunsod ng pagbabalik ng face-to-face classes sa maraming lugar.

Sinabi naman ni Vergeire na walang balak ang DOH na irekomenda sa gobyerno ang pagsuspendi ng face-to-face classes.

Bukod sa pagsunod sa minimum health protocol, muling hinimok ni Vergeire ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19.

Ang daily average ng COVID-19 cases ay nasa 3,231 bahagyang bumaba kumpara sa 3,755 noong nakaraang linggo.