DOH

DOH nanawagan sa publiko na magpa-booster shot

220 Views

MULING nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko na magpa-booster shot upang mapanatili ang mataas na lebel ng proteksyon laban sa COVID-19.

Iginiit ng DOH ang kahalagahan ng booster shot upang mapanatiling epektibo ang naunang dalawang COVID-19 vaccine.

“Immunity does not last forever, and for that reason, we must all get a booster,” sabi ng advisory ng DOH.

Pinaliliit umano ng booster shot ang posibilidad na ma-ospital o maging kritikal ang kalagayan ng isang indibidwal na nahawa ng COVID-19.

Ayon pa sa DOH anim sa bawat 10 pasyente na na-ospital dahil sa COVID-19 ay hindi bakunado.