Duque

DOH planong bumili ng bakuna laban sa monkeypox

302 Views

PLANO ng Department of Health (DOH) na bumili ng monkeypox antiviral vaccines bilang bahagi ng paghahanda sakaling umabot ito sa Pilipinas.

Ayon sa Center for Disease Control and Prevention ang Imvamune o Imvanex vaccine ay nabigyan ng lisensya sa Estados Unidos bilang panlaban sa monkeypox at smallpox.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DOH sa Research Institute for Tropical Medicine at Philippine Genome Center upang malaman ang laboratory requirements na kailangan para sa monitoring at surveillance ng monkeypox.

Pinag-aaralan umano ng DOH ang lahat ng opsyon nito upang agad na makontrol ang pagkalat ng monkeypox sakaling umabot man ito sa Pilipinas.

Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi pa napapanahon ang pagsasara ng border ng Pilipinas kaugnay ng monkeypox bagamat pina-igting na umano ang surveillance at border control upang hindi ito makapasok.