DOH

Aktibong COVID-19 cases sa bansa tumaas

194 Views

NADAGDAGAN ng 199 bagong kaso ang bilang ng COVID-19 sa bansa.

Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) ngayong Huwebes, umakyat sa 2,323 ang bilang ng aktibong kaso sa bansa mula sa 2,257 noong Miyerkoles.

Ang kabuuang bilang ng mga nahawa ng COVID-19 sa bansa ay 3,689,656.

Wala namang naitalang nasawi sa nakaraang limang araw samantalang ang bilang ng mga gumaling ay 3,626,878.

Muling nanawagan ang DOH sa publiko na magpabakuna laban sa COVID-19 at magpa-booster shot na ang mga kuwalipikado.