Vergeiri

DOH tiniyak sapat na suplay ng bakuna laban sa COVID-19

189 Views

TINIYAK ng Department of Health (DOH) na mayroong sapat na suplay ng bakuna laban sa COVID-19 ang bansa.

Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na mayroon pang 17.488 milyong doses ng COVID-19 vaccine na nakatago sa mga warehouse.

Sa mahigit 17 milyong bakuna, sinabi ni Vergeire na nasa 6 milyon ang hinihintay pa ang go signal ng manufacturer na palawigin ang shelf life.

Inamin naman ni Vergeire na mayroong mga bakuna na mage-expire sa una at ikalawang quarter ng taon.

Muli ring inulit ng DOH ang panawagan sa publiko na magpabakuna at magpa-booster shot laban sa COVID-19 na nananatili umanong banta sa kalusugan bagamat mas kumonti na ang bilang ng aktibong kaso nito sa bansa.