Dolor

Dolor dumalo sa groundbreaking ng dialysis center sa OrMin

16 Views

NAG-GROUNBREAKING ang itatayong dialysis center noong Enero 24 ng Oriental Mindoro Southern District Hospital na dinaluhan ni Gov. Bonz Dolor at kanyang asawa.

Pinangunahan ng mga nabanggit ang paghuhulog ng kapsula ng proyekto at ang unveiling ng disenyo ng istruktura kasama sina Provincial Health Officer Doc Cielo Angela Ante, OMSDH Chief of Hospital Dr. Jocel Caranzo.

Matapos ang groundbreaking, namahagi ng mahigit 200 toilet bowl sa mga kinatawan ng iba’t-ibang paaralan sa Roxas bilang bahagi ng programang pangkalusugan.

Mula sa tatlong doktor, mayroon na ngayong 15 doktor ang ospital kaya mula infirmary nakataas na sa level 1 o nangangahulugan na maaari ng magsagawa ng operasyon sa naturang ospital.